Posibleng magpatuloy pa rin ang pagkalat ng COVID-19 dito sa kalakhang Maynila ayon sa Department of Health (DOH).
Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kung saan posibleng pumalo sa higit 58,000 ang aktibong kaso sa National Capital Region (NCR) ngayong katapusan ng Setyembre.
Pero batay sa kanilang projection, magiging mabagal na ang hawahan sa NCR at inaasahang nasa higit 46,000 na lamang ang maitatalang aktibong kaso ng COVID-19 sa pagtatapos ng Oktubre.
Sa kabila nito, sinabi ni Vergeire na hindi pa sila kumpiyansa na bumababa na talaga ang mga kaso sa Metro Manila.
Facebook Comments