Nasa 51 na lang ang aktibong kaso ngayon ng COVID-19 sa lungsod ng Pasay kung saan anim lang ang naitalang bagong kaso.
Nakasaad sa pinakahuling datos na inilabas ng Pasay City Government, lumalabas na ang naturang bilang ay 0.35% lang sa kabuuang bilang ng mga taga-Pasay.
Ipinagmalaki rin ng Pasay Local Government Unit (LGU) na 172 na mga barangay na rito ang COVID-free o wala nang kaso ng virus.
Sa kabila ng gumagandang COVID-19 situation sa Pasay City ay patuloy pa rin ang panawagan ni Mayor Emi Calixto Rubiano sa publiko ng kooperasyon at pakikiisa upang mapigilan ang pagkalat ng virus.
Hiling ng alkalde, mahigpit na sundin ang standard health protocols at ugaliing gawin ang E.M.I. Habit:
E- Ensure to always wash your hands;
M- Mask & face shield are a must; at
I- Implement physical distancing.