Active COVID-19 cases sa PNP, patuloy na nadaragdagan

51

Sumampa pa sa 221 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Ito’y makaraang makapagtala ang PNP Health Service ng 12 bagong kaso at 7 reinfections.

19 naman ang naidagdag na new COVID case sa hanay ng PNP ngayong araw.


Sa kasalukuyan, nasa 49,173 na ang kabuuang bilang ng mga naitalang impeksiyon sa pambansang pulisya habang 48,823 ang gumaling dahil sa labing apat na bagong recoveries at 129 naman ang kabuuang nasawi.

 

Samantala, pumalo na sa 99.71% ang fully vaccinated sa PNP, 0.06% ang partially vaccinated at 98.91% naman ang nakatanggap ng booster shots.

Facebook Comments