Active COVID-19 cases sa QC, nabawasan ng mahigit 500 sa nakalipas na 24 oras

Inihayag ngayon ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit na bahagyang nadagdagan ang mga gumaling sa COVID-19 sa QC.

Ayon sa nilalaman ng bagong ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ng lokal na pamahalaan kung saan nasa 531 ang gumaling sa nakalipas na 24 na oras.

Paliwanag ng CESU mula sa 13,252 na kaso noong nakaraang araw, nasa 12,725 na lamang ito ngayon.


Pero nananatiling mataas ang Special Concern Lockdown Areas sa QC kung saan umabot na sa 53 na lugar dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Namamahagi na ang lokal na pamahalaan ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya at sila ay sasailalim sa swab testing at mandatory 14-day quarantine.

Kabilang sa mga naabutan ng ayuda ng lokal na pamahalaan ay ang Missionary Sisters Servant of the Holy Spirit sa Barangay Immaculate Concepcion at Religious of the Virgin Mary sa Barangay Kaunlaran.

Sa kabuuan, mahigit 100 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa dalawang kumbento at may isa namang pumanaw.

Facebook Comments