Active COVID cases sa PNP, mahigit 700 na

Umabot na kahapon sa 752 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP) mula sa 671 kamakalawa.

Batay sa datos ng PNP Health Service, nadagdagan ng 24 na recoveries at 105 bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP kahapon.

77 sa mga bagong kaso ang mula sa mga Police Regional Office; 14 sa National Operational Support Units; at tig-7 sa National Administrative Units at National Headquarters.


Sa kasalukuyan ay nasa 12,001 na ang tauhan ng PNP na tinamaan ng COVID-19, kung saan 11,217 ang ang naka-rekober at 32 ang nasawi.

Pinakahuling nag-positibo sa COVID-19 din PNP Chief Police General Debold Sinas, na asymptomatic at kasalukuyang naka-quarantine sa Kiangan Treatment Facility sa Camp Crame.

Facebook Comments