‘Active Status’ ng Community at Local Transmission, Naitala sa 10 lugar sa Cagayan Valley

9

Cauayan City, Isabela- Nananatili ang 10 lugar sa ‘Active Status’ ng Community at Local Transmission batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) region 2.

Ayon kay Health Education and Promotion Officer Pauleen Atal ng DOH region 2, aktibo pa rin sa community transmission ang apat (4) siyudad sa rehiyon na kinabibilangan ng Tuguegarao City sa lalawigan ng Cagayan; City of Ilagan, Cauayan City sa Isabela maging ang Santiago City at bayan ng Solano, Nueva Vizcaya.


Habang ang bayan ng Luna, Tumauini, San Mariano sa Isabela; Solana at Baggao sa Cagayan ay aktibo naman sa local transmission.

Sa Isabela, nangunguna sa may pinakamataas na bilang ng local transmission ang bayan ng Tumauini na may 58, habang ang City of Ilagan ay nakapagtala ng 99 active cases, na sinundan ng Tuguegarao City na may 98 at may pinakamataas pa rin ang Cauayan City na may 113 dahil sa Community transmission.

Hininimok ang publiko na ugaliin ang pagsunod sa health protocol para makaiwas sa hawaan ng COVID-19.

Facebook Comments