ACTO, naghain ng petisyon sa LTFRB para sa hirit na ibalik sa P10 ang pasahe

Manila, Philippines – Pormal nang naghain ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang transport group na Alliance of Concerned Transport Organizations para ibalik ang P10 minimum na pasahe sa Jeepney.

Ginamit na dahilan ng ACTO ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay ACTO President Efren De Luna, sinabayan pa aniya ito ng TRAIN law, e-vat, mga diskwento sa studyante, senior citizens at PWDs pati na sa matinding trapik at nalalapit na bakasyon ng mga estudyante.


Halos wala nang maiuwing kita ang mga tsuper para sa kanilang pamilya at may iba pang bayarin.

Nilinaw ni De Luna na nais lamang ng kanyang grupo na ibalik ang pisong provisional rollback na binawi noon ng LTFRB.

Sa ngayon ay nasa 9 na piso ang minimum na pasahe sa jeepney na aniya ay hindi na nakakasapat kung pagbabasehan ang patuloy na pag taas ng presyo ng produktong petrolyo.

Facebook Comments