Nakatakda nang desisyonan ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang hiling na taas pasahe ng mga tsuper sa susunod na buwan.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Alliance of Concerned Transportation Organization o ACTO Nationwide President Liberty De Luna, inilahad nila na sana ay maaprubahan ito sa kapakanan na rin ng kanilang mga kasamahan na tsuper.
Aniya pa, sakaling maaprubahan, dos pesos ang madadagdag, mula sa trese magiging kinse pesos ang minimum na pasahe ng traditional jeep samantalang mula kinsi hang disi siete naman sa modernized jeep.
Ayon pa kay De Luna, malaking tulong ito para sa kanila at aniya’y kahit piso lang para hindi sila mabigatan.
Nakatakdang desisyonan ang naturang petisyon sa 12 ng Marso ngayong taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









