Actor Enzo Pineda, tatakbo ring city councilor ng District 5 ng QC

Sumabak na rin sa politika ang young actor na si Enzo Pineda.

Nag-file ng Certificate of Candidacy o COC si Pineda para sa pagka-councilor sa 5th District ng QC.

Si Enzo ay itinanghal na First Prince sa fifth season ng Star Struck.


Siya ay anak ng dating congressman Enrico Pineda at ng publicist na si Macy Macam Pineda.

Ayon kay Enzo, sakaling palarin sa 2025 midterm elections, gusto niyang tumutok sa health programs ng lungsod.

Facebook Comments