Binasag na ng actor na si Janno Gibbs ang kaniyang pananahimik sa mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa pagkakasangkot niya sa pagkamatay ng kaniyang ama na si Ronaldo Valdez.
Binuweltahan ni Janno ang mga vlogger na nagpalabas ng malisyosong balita na siya ang nakabaril sa kaniyang ama.
Sinamahan si Janno ng asawang si Bing Loyzaga at kapatid na si Melissa Gibbs.
Maiyak-iyak na minura ng aktor ang mga vlogger na gumawa ng sari-saring content sa isyu ng pagkamatay ni Ronaldo Valdez.
Hindi lang aniya nilapastangan ng mga ito ang kanilang pagdadalamhati kundi sinira pa ang dangal ng kanilang yumaong ama.
Hindi rin naiwasan ni Janno na maglabas na sama ng loob sa pamunuan ng Quezon City Police District dahil sa lapses sa paghawak sa kaso ng kanilang ama.
Giit ng aktor, walang pagpipyestahan ang mga vlogger na content kung hindi sa nag-leak ng video ng Philippine National Police (PNP), partikular ang pagkuha sa kaniya ng paraffin test.
Ani Janno, nakakaalarma ang pag-leak ng video na posibleng maulit ito sa ibang tao at sa ibang pagkakataon.
Gayunman, walang planong magsampa ng kaso ang aktor sa mga vlogger, sa pagsabing ipinapasa-Diyos na lang niya ang kanilang ginawa.
Pero, pagdating sa PNP, hinihingi nito na humingi ito ng apology sa pagpapakalat nangyaring pag-leak ng video.
Ito ay dahil sa trauma na idinulot nito sa kanilang pamilya.