Humarap si actress Angeli Khang sa preliminary investigation sa piskalya sa Pasay City.
Kaugnay ito ng reklamong inihain ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc., dahil sa anilay pagpo-post ng explicit videos sa social media account nito.
Ang aktres ay naghain din ng kanyang counter-affidavit at inamin nito sa clarificatory question na siya ang may-ari ng Angeli Khang Facebook account.
Gayunman, hindi aniya siya ang nag-post ng explicit scenes mula sa kanyang pelikula.
Aniya, si Vivamax staff Lemon Garcia ang nag-upload ng anim na obscene videos sa personal FB page niya.
Ang kasong kinaharap ni Khang ay 6 counts ng paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code in relation to cybercrime law.
Facebook Comments