Actress Rich Asuncion – engage na sa boyfriend na Fil-Aussie rugby player

Manila, Philippines – Wala raw kaalam-alam ang Kapuso actress na si Rich Asuncion na magpu-propose sa kanya ang boyfriend na si Benjamin Mudie sa taping ng kinabibilangan niyang afternoon drama series sa GMA network kahapon.

Say nito, bagamat ramdam na daw niya na malapit ng mag-propose si Benjamin, nasupresa pa rin daw talaga ito lalo nat hindi niya alam na sa taping ito magpo-propose.

Unang nakaalam daw na magpu-propose si Benjamin ay ang co-star ni Rich na si Sunshine Dizon sa isang teleserye.


Nito lamang Lunes, nagdiwang ng second anniversary Sina rich at ang boyfriend nitong Fil-Aussie rugby player.

Facebook Comments