Ad interim appointment ng 50 heneral at flag officers ng AFP, lusot na sa Commission on Appointments

Inaprubahan ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ng 50 heneral at flag officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kabilang sa mga nakalusot sa CA ang 15 Philippine Air Force (PAF) officers, 10 Philippine Navy officers, 24 na Philippine Army officers at isang Medical Corps Reserve.

Sa gitna ng deliberasyon sa ad interim appointment ng mga AFP officers, binigyang diin ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pangangailangan ngayon na ma-modernize ang mga kagamitan at pasilidad ng hukbong sandatahan ng bansa sa lalong madaling panahon.


Inihalimbawa ni Zubiri na maisaayos ang mga barko ng Navy lalo pa’t kailangan ng bansa ng maliliit na warship at malalaking barko na tatagal sa karagatan sa mahabang panahon.

Bukod dito, sinisikap din ng Kongreso na makapag-down payment na sa mga kailangang air force jets, new combat jets at mga bagong equipment para sa army.

Facebook Comments