Ad interim appointment ni DepEd Secretary Sonny Angara, mabilis na nakalusot sa committee level ng Commission on Appointments

Wala pang limang minutong nakasalang si Department of Education Secretary Sonny Angara sa Commission on Appointments (CA) -Committee on Education ay mabilis na inaprubahan ng Senate at House panel ang ad interim appointment nito.

Agad na nagmosyon si Senator Loren Legarda para sa mabilis na pag-apruba at pag-refer sa plenary approval ng ad interim appointment ni Angara.

Ito aniya ay bilang courtesy na rin kay Angara na dating myembro ng Senado, ng CA at ng Kamara.


Sinegundahan ito ni Senator Bato dela Rosa at sinang-ayunan din ito ni House Majority Floor Leader Lray Villafuerte at ng 12 house contingent.

Hindi anila makukwestyon ang competence at kwalipikasyon ni Angara sa nasabing posisyon.

Mamaya na lamang din pagsasalitain ng CA si Angara sa oras na ganap na maaprubahan sa plenaryo ang ad interim appointment nito.

Facebook Comments