Ad interim appointment ni DTI Secretary Alfredo Pascual, aprubado na ng Commission on Appointments

Lusot na sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual.

Dalawang beses na na-bypass ng CA ang appointment ni Pascual noong nakaraang taon.

Sa pagtalakay sa nominasyon ni Pascual, ilan sa mga isyung nabusisi sa kalihim ang patuloy na pagtaas ng presyo ng agricultural commodities tulad ng sibuyas at ang aksyon ng kanyang kagawaran upang labanan ang isyu ng hoarding at cartel.


Natanong din ang kalihim sa isyu ng ilang empleyado ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na isang attached agency ng DTI dahil sa demosyon at termination sa mga tauhan.

Iginiit naman ni Pascual na isa sa mga empleyado ang na-reinstate o naibalik habang ang tatlong contractual o job order employees ay hindi na na-renew ang kontrata subalit pinag-a-apply sila sa mga available position.

Suportado naman ng iba’t ibang business groups ang pagkakatalaga kay Pascual sa DTI.

Facebook Comments