AD PLACEMENT | 60 Million, hindi pa rin naibabalik ng Tulfo brothers – Sec. Berna Puyat

128

Manila, Philippines – Hindi pa rin ibinabalik ng Tulfo brothers ang 60 million pesos na ibinayad ng Dept. of Tourism (DOT) bilang advertisement placement sa PTV-4.

Ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat – matagal nang inatasan ng Commission On Audit (COA) sina Ben at Erwin Tulfo para isauli ang pera.

Sa tingin ng kalihim, binigyan ang magkapatid na Tulfo ng anim na buwan para tumugon.

Kapag ibinalik na aniya ang pera sa kagawaran ay isasauli ito treasury.

Nabatid na nagbitiw sa pwesto si dating Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo dahil sa iregularidad sa ad placement deal na kinasasangkutan ng kanyang mga kapatid.

Una nang inanunsyo ng abogado ni Teo na si Atty. Ferdinand Topacio na ibabalik ng Tulfo brothers ang 60 million pesos.

Facebook Comments