Adamson Soaring Falcons, nakuha na ang pangatlong ticket sa UAAP Final 4

Manila, Philippines – Tinambakan ng Adamson Soaring Falcons ang UP Fighting Maroons, 86-70 para makuha ang ikatlong puwesto sa final four ng UAAP season 80 men’s basketball.

Dahil sa panalo, umakyat sa kartadang 9-4 ang Soaring Falcons para lumayo sa ikaapat na koponan, ang FEU Tamaraws na nanalo naman kontra UE Red Warriors, 79-63.

Ito ang ikaanim na panalo ng FEU sa labing dalawang laro.


Nanguna sa panalo ng Adamson si Papi Sarr na umiskor ng 25 points at nakakuha ng 17 rebounds.

Bumagsak naman sa 5-7 win loss slate ang UP.

Facebook Comments