Adamson University, pasok na sa final four ng UAAP Season 80 Men’s Basketball

Sports – Pasok na sa final four ang Adamson University matapos talunin ang University of the Philippines sa score na 86-70 sa UAAP Season 80 Men’s Basketball tournament.

Nanguna sa Falcons si Papi Sarr na may 25 points, 17 rebounds at 1 steal habang nagdagdag si Jerie Pingoy 15 puntos, 8 assists, 6 steals at 4 rebounds.

Gumawa rin si Jerrick Ahanmisi ng 11 puntos gayundin si Robbie Manalang na nag-ambag ng 10 para sa Adamson.


Maliban sa Falcons, pasok rin sa final four ang Ateneo De Manila University, De La Salle University.

Facebook Comments