Makalipas ang tatlong oras mula nang lumapag ang Inter-Agency Contingent ng Pilipinas sa Turkiye para tumulong sa mga naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol.
Lumipad naman ang Philippine delegation pa Adana, South Istanbul kung saan sila magsasagawa ng Emergency Medical and Urban Search and Rescue operations.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Spokesperson at Office of Civil Defense Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, misyon ng grupo na tumulong sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Adana kung saan base sa ulat may 18 gusali ang nag-collapse doon.
Paliwanag ni Asec. Alejandro, pagkarating ng team sa Adana ay magse-set up muna sila ng kanilang command post at kanilang i-a-assess ang lugar.
Sinabi pa ni Alejandro na desisyon na ni Maj. Erwen Diploma ang kanilang ground commander kung agad na sisimulan ang search and rescue operations o bukas na ng umaga.
Maliban dito, pupulungin din Philippine ambassador to Turkiye Maria Elena Algabre ang Philippine contingent mamayang gabi sa Adana.
Kasalukuyan kasing nag-iikot si Ambassador Algabre sa iba’t ibang lugar sa Turkiye upang personal na alamin ang kalagayan ng ating mga kababayan sa nasabing bansa matapos itong yanigin ng malakas na lindol kamakailan.