Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nananatiling mababa sa 1% ang average daily attack rate (ADAR) ng COVID-19 sa bansa.
Habang ang healthcare utilization rate naman sa Metro Manila ay 25%.
Bago ito maiakyat sa moderate risk level ay dapat pumalo ito sa 50% hanggang 70%.
Sa ngayon, nakakapagtala lamang ang DOH ng mahigit 400 na kaso ng COVID-19 kada araw.
Hindi rin nakikita ng DOH na magkakaroon ng pagkapuno ng healthcare system sa bansa.
Ito ay bagama’t nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa kaso ng infection sa bansa.
Facebook Comments