Inaprubahan ng Asian Development Bank (ADB) ang $2 million grant o P102,751,000 para pondohan ang Typhoon Odette emergency response sa Visayas at Mindanao.
Ilalaan ang nasabing pondo na kukunin sa ADB Asia Pacific Disaster Response Fund para sa humanitarian assistance sa humigit-kumulang 15,000 pamilya o katumbas ng 75,000 indibidwal sa Visayas at Mindanao.
Ayon kay ADB Director General for Southeast Asia Ramesh Subramaniam, ang pinsala ng Bagyong Odette sa pabahay, agrikultura, at imprastraktura sa gitna ng pandemya ng COVID-19 ay nagpahirap sa buhay ng mga Pilipino.
Matatandaang ang Bagyong Odette ay nanalasa sa bansa noong Disyembre 2021 kung saan nasaira ang aabot sa P24.6 bilyon halaga ng pananim, imprastraktura at mga ari-arian.
Facebook Comments