ADB, magbibigay ng 12-billion-dollar investment sa Pilipinas sa susunod na tatlong taon

Welcome kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang 12 billion dollars commitment ng Asian Development Bank (ADB) sa Pilipinas sa susunod na tatlong taon.

Ayon sa pangulo, ang patuloy na pagpopondo ng ADB ay patunay ng kanilang kumpiyansa sa isinusulong na mas masiglang Bagong Pilipinas.

Sa pamamagitan umano ng kanilang kontribusyon ay naging makatotohanan ang mga pangarap at pag-asa at ito ay nagdala ng malaking pagbabago sa buhay ng maraming Pilipino.


Kabilang sa mga pinuri ng pangulo ay ang investments ng ADB sa healthcare, business recovery, at agrikultura.

Tiniyak naman ng pangulo na ang inilagak na puhunan ng ADB ay magbubunga nang mas maayos na social services, imprastraktura, at mas matatag na ekonomiya.

Facebook Comments