
Muling pinagtibay ng Asian Development Bank (ADB) ang kanilang suporta sa mga bansa sa Southeast Asia, kabilang na ang Pilipinas.
Plano ng ADB na magbigay ng $24 bilyon na suporta para sa mga bansa sa Southeast Asia sa susunod na tatlong taon.
Sinabi ng ADB na ang pamumuhunang ito ay makatutulong upang mas palalimin pa ang kooperasyong pangrehiyon at upang palakasin ang koneksyon, paglago ng investments mula sa pribadong sektor, energy integration, at food security.
Inihayag ito ng ADB sa katatapos lang na 16th Indonesia-Malaysia-Thailand Growth Triangle Summit na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Facebook Comments









