Adbokasiya kontra illegal drugs mas pinalakas sa Buldon

Pinangunahan ni Buldon Mayor Abolais Manalao ang isinagawang Municipal Anti-Drug Abuse Council Meeting kahapon.

Dumalo sa aktibidad ang lahat ng mga Baranggay Chairperson sa pangunguna ni ABC Chairman Rufo Capada at Buldon Chief of Police CINS Armando Liwan.

Layun ng pagpupulong ay upang mas palakasin pa ang kampanya kotra illegal drugs at tumalima sa mga bagong proseso ng steering committee para tuluyang maging drug cleared ang bawat baranggay at matulungan na makapagbagong buhay ang mga dating naapektuhan ayon pa kay Mayor Manalao.


Kasalukuyang nasa 8 baranggay na ang naunang idiniklarang drug cleared mula sa 15 baranggay ng bayan.

Matatandaang kabilang sa dumalo ang LGU Buldon sa tatlong araw na Provincial Anti-Drug Abuse Council Meeting sa Davao City. Kabilang sa mga lumahok sa aktibidad si PDEA ARMM Director Juvenal Azurin, Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu, IPHO Health Director Dr. Tahir Sulaik at iba pang mga opisyales.

Facebook Comments