Patuloy na isinusulong sa lungsod ng Dagupan ang kapakanang pangkalusugan sa bawat Dagupeño kaugnay alinsunod sa pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC).
Kalakip nito, nakipagpulong ang LGU Dagupan sa Department of Health (DOH) Central Office Bureau of Local Health Systems Development ukol sa mga paghahanda at aksyong ipapairal para makamit ang nasabing adhikain.
Ibinahagi ni Mayor Fernandez ang ilang mga proyekto sa ilalim ng pagsusulong ng serbisyong pangkalusugan para sa mga Dagupeño.
Isa na rito ang Super Family Health Center (SFHC) na kasalukuyan ang konstruksyon sa Brgy. Bolosan ng lungsod at ang nagpapatuloy na MR-OPV Supplemental Immunization Activity para sa mga bata.
Layon ng nasabing UHC na maipaabot ang serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng pagpapaigting ng Primary Health Care sa bawat komunidad sa Dagupan City.

Facebook Comments