ADIK | Lalaki sa North Carolina, arestado dahil sa donut

North Carolina – Isang adik na lalaki ang inaresto ng mga pulis sa North Carolina.

Pero hindi siya adik sa illegal drugs, kundi sa Donut!

Huwebes nang mahuli 27-year old na si Bradley Hardison matapos niyang basagin at pasukin ang isang doughnut shop sa Elizabeth City.


Bukod sa Doughnut, nilimas din niya ang perang kinita ng tindahan.

Ayon sa mga pulis, hindi ito ang isang beses na naaresto nila si hardison dahil sa krimeng may kinalaman sa doughnut.

Katunayan, sa isang doughnut-eating contest na mismong sila din ang nag-sponsor, unang naaresto si Hardison dahil naman sa kaso ng basag-kotse.

Nanalo pa nga raw noon si Hardison matapos na makaubos ng walong doughnut sa loob ng dalawang minuto.

Facebook Comments