Adjusted mall hours sa Metro Manila, magsisimula na sa Lunes; mga tsuper, handa na rin sa mahabang biyahe habang papalapit ang Pasko

Magsisimula nang ipatupad ng mga mall sa Metro Manila ang “adjusted mall hours,” sa Lunes, Nobyembre 14, bilang paghahanda sa Christmas rush o pagdagda ng mga mamimili ngayong holiday season.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga mall ay mag-o-operate na mula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi, epektibo hanggang January 6, 2023.

Exempted naman sa regulasyon ang mga delivery ng mga nabubulok na goods at groceries pati na rin ang mga restaurant na nagse-serve ng almusal.


Hiniling din sa mga mall operator na magsumite ng traffic management plan para makapag-deploy ang MMDA ng karagdagang tauhan.

Bukod dito ay makikipagpulong din ang ahensya sa mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) hinggil sa kahilingan ng isang mall operator na palawigin ang operasyon ng EDSA bus carousel at Metro Rail Transit Line 3 hanggang hatinggabi.

Samantala, inihayag naman ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) na nakahanda ang mga tsuper ng jeep na habaan pa ang oras ng kanilang pamamasada sa oras na ipatupad ang bagong mall operating hours sa Metro Manila.

Facebook Comments