Adjustment sa pondo para sa rehabilitasyon ng Lambingan bridge at Guadalupe bridge sa Metro Manila, inaprubahan ni PBBM

Mas patatatagin pa ang Lambingan bridge sa Maynila at Guadalupe bridge sa boundary ng Makati at Mandaluyong City para maihanda sa pagtama ng malalakas na lindol.

Ito’y matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtataas ng gastos at extension ng implementasyon ng Metro Manila priority bridges seismic improvement project, sa ika-dalawampung NEDA board meeting.

Ayon kay Pangulong Marcos, oras na mapatatag ang mga tulay ay matitiyak ang kaligtasan ng libu-libong motoristang dumadaan dito kada araw.


Bukod dito, tututukan din aniya ang modernisasyon ng Laguindingan International Airport para sa episyenteng pagbiyahe na magpapalakas ang ekonomiya sa rehiyon.

Samantala, kinumpirma rin ang referendum decisions at pag-upgrade, expansion, at operation and maintenance ng Bohol International Airport at ang Philippine Civil Service Modernization Project, habang isasama na rin sa NEDA board ang mga kalihim ng Department of Agriculture (DA) at Department of Education (DepEd) para sa proyektong pang-agrikultura at edukasyon.

Facebook Comments