Binuksan kahapon ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) ang 40th Plenary Session para sa Second Regular Session nila sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex (SKCC), Bangsamoro Government Center dito sa Cotabato City.
Sa kanyang Chief Minister’s Hour ay nagbigay ng updates si Bangsamoro Government Chief Minister Ahod Al Ahj Murad” Ebrahim tungkol sa mga pinagkaka-abalahan ng Bangsamoro Inter-Agency Task Force (BIATF) on the Coronavirus Disease (Covid-19) pandemic at ang pagsusumite ng tatlo sa anim na priority legislations ng BARMM.
Ang Government of the Day ay nagsumite kahapon ng 3 priority codes—ito ay ang Administrative Code (Cabinet Bill No. 60), Local Government Code (Cabinet Bill No. 58) at Civil Service Code (Cabinet Bill No. 59)—ang mga ito ay tinakay sa plenaryo.
45 Members of Parliament ang dumalo habang 15 naman ang lumahok sa pamamagitan ng online conference.(DMR)
BARMM Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>