Administrasyng Duterte, hindi dapat maging over confident dahil sa SC ruling na pabor sa martial law

Manila, Philippiens – Pinaalalahanan ni Senator Richard Gordon si Pangulong Rodrigo Duterte at ang gobyerno na huwag maging over confident matapos na katigan ng Supreme Court ang deklarasyon ng Martial Law sa buong Mindanao.

Sa halip ayon kay Gordon, dapat pagsumikapan ng pamahalaan na matuldukan na ang problema sa sitwasyon ngayon sa Marawi City.

Diin ni Gordon, ang naging SC ruling ay dapat maging daan para matiyak ang tagumpay ng mamamayan.


Makakakamit aniya ito sa pamamagitan ng pagsupil sa mga naghahasik ng karahasan sa bahagi ng Mindanao at pagkakaroon ng Armed Forces of the Philippines ng mahusay na intelligence gathering.

“Now is the time to fix the situation not only in Marawi but in the whole of Mindanao. Now that the President has the support of the court and congress, he should use that support, not to be over confident, but certainly because we believe that there is situation occuring in the country that must be solved,” pahayag ni Senator Gordon.

Facebook Comments