Kinuwestiyon ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang mga namumuno sa dating administrasyon kung bakit nila pinaatras ang mga barko noon sa West Philippine Sea.
Ayon kay Locsin, kung talagang naniniwala ang administrasyon ni Dating Pangulong Noynoy Aquino na atin ang pinag-aagawang teritoryo ay hindi sila aatras.
Paliwanag ni Locsin, nasa loob naman ng ating Exclusive Economic Zone ang mga barko ng China noong nangyaring 2012 standoff.
Kung maaalala, nagmula ang standoff sa pagitan ng Pilipinas at China nang harangin ng mga Chinese vessels ang barko ng Pilipinas na aaresto sana sa Chinese poachers sa loob ng ating teritoryo.
Pagkatapos nito, parehong hindi na umalis ang mga barko ng Pilipinas at China pero namagitan ang Estados Unidos at nagkasundo na aalis ang barko ng dalawang bansa bagay na hindi naman sinunod ng China.