Mananatiling neutral ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa nalalapit na pagdaraos ng 2022 elections.
Ito ang tiniyak ng pangulo sa Talk to the Nation nito kagabi matapos ang recap ng partisipasyon nito sa Summit for Democracy na inorganisa ng United States mula December 9 hanggang 10.
Ayon kay Pangulong Duterte, walang magiging kalaban o kakampi ang administrasyon dahil magiging pantay ang tingin niya sa lahat.
Bagama’t hindi naman ipinaliwanag ang ibig-sabihin ng neutral, tiniyak nito sa publiko na magiging mapayapa ang halalan at babantayang maigi ang banta sa terorismo at vote-buying.
Kasabay nito, hinimok din ng pangulo ang Commision on Elections (Comelec) na panatiling nasusunod ang health protocols sa mga lugar a pagdarausan ng eleksyon.