Administrasyon ni PBBM, nananatiling matatag sa kabila ng pagbibitiw ng ilang gabinete

Nananatiling matatag ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kabila ng mga kontrobersiya at pagbibitiw ng ilang gabinete.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mas mabuti umanong umalis sa puwesto ang mga nadadawit upang maging malaya ang imbestigasyon.

Tiniyak din ng Malacañang na hindi dapat mabahala ang mga sundalo at pulis sa bagong akusasyon ni Senadora Imee Marcos laban kay Pangulong Marcos Jr. dahil walang basehan ang paratang at “ingay” lamang na hindi dapat seryosohin.

Pinawi rin ng Palasyo ang tsismis na may sundalong nagbabalak kumalas dahil sa flood control scandal.

Giit ni Castro, mismong ang AFP na ang nagsabi na buo pa rin ang tiwala ng uniformed personnel sa kanilang commander-in-chief.

Facebook Comments