
Wala natanggap na flood control master plan ang kasalukuyang administrasyon mula sa ang nagdaang administrasyong Duterte.
Tugon ito ng Palasyo ng pahayag ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Rogelio Singson na mayroong iniwang flood control master plan ang administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino na dapat ay sinundan pero hindi inaksyunan ng mga sumunod na administrasyon.
Pero ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, batay sa pag-uusap nila ni DPWH Sec. Manuel Bonoan ay wala itong natanggap na flood control master plan mula kay dating DPWH Sec. at ngayo’y Senator Mark Villar.
Kaugnay nito, inatasan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang DPWH na ilabas ang kumpletong listahan ng lahat ng flood control projects sa bansa para matukoy agad ang mga maanomalyang kontrata at matigil ang pagpapatupad ng mga ghost project.









