Manila, Philippines – Minaliit ng Palasyo ng Malacañang ang mga napagtagumpayan ng mga administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating Pangulong Noy-Noy Aquino.
Ito ang ginawa ng Malacañang bilang reaksyon sa naging payo ni House Speaker Arroyo na dapat ay dapat madaliin ng administrasyong Duterte ang mga plano nito para mapagaan ang buhay ng ating mga kababayan.
Sinabi din ni Arroyo na dapat ay makapaglabas ng mga resulta ang administrasyon na mararamdaman ng mamamayan.
Pinuri din ni Arroyo ang mga hakbang na ginawa ng Pamahalaan para mapababa ang inflation rate sa bansa.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, sa usapin ng malalaking policy reforms, at infrastructure projects ay dapat alam ni Speaker Arroyo na sa dalawa at kalahating taon ni Pangulong Duterte sa posisyon ay mas marami na itong nagawa kung ikukumpara sa pinagsamang Arroyo at Aquino Administration.
Hindi aniya nagsayang ng panahon at lakas ang administrasyong Duterte sa pagpapabuti ng kapabilidad at competitiveness ng mga mangagawang Pilipino kung saan noong nakaraang tayon ay ymabot sa mahigit 800 libo ang net employment ng bansa.
base din aniya sa Department of Labor and Employment ay inaasahan pang darami ang mga magbubukas na trabaho sa bansa dahil sa build-build-build program ng pamahalaan.
Sinabi din naman ni Panelo na tanggap nila ang naging pahayag ni Arroyo at pareho din ang pananaw ng economic managers ni Pangulong Duterte na dapat ay makapag labas ng resulta ang pamahalaan na mararamdaman ng mamamayan kaya hindi na nagatubili pa ang pamahalaan at ginawa ang mga dapat gawin para mapaganda ang ekonomiya ng bansa.