Administrasyong Duterte, napanatili ang paglago ng GDP ng Pilipinas ayon sa DBCC

Napanatili ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang target na paglago ng Gross Domestic Product (GDP) para sa 2022.

Ayon sa Development Budget Coordination Committee (DBCC), napanatili sa 6 hanggang 7% ang GDP ngayong 2021 at 7 hanggang 9% naman para sa 2022.

Resulta ito nang pagbaba na ng kaso ng COVID-19 upang bahagyang buksan ang ekonomiya ng bansa.


Kasabay nito, dumipensa naman ang DBCC sa pag-apruba ng economic managers sa panukalang 2022 national budget na nasa P5.02 trilyon na mas mataas ng 11.5% na kasalukuyang budget.

Itinaas kasi ang panukalang budget para sa susunod na taon upang patuloy na tustusan ang pagtugon sa COVID-19 pandemic at iba’t ibang imprastruktura.

Facebook Comments