Kinalampag ng isang transport group ang administrasyong Marcos na magbigay ng regular na fuel subsidy.
Ayon sa Laban Transport Network Vehicle Service (TNVS), mapipilitin umano ang ilang sa kanila na tumigil sa pamamasada kung wala silang matatanggap na karagdagang ayuda mula sa gobyerno.
Katunayan pa anila na maraming car at motorcycle riders ang umaaray ngayon dahil sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Pag-amin pa na ang ilang sa kanila ay napipilitang maghanap na ng ibang trabaho.
Samantala, una nang inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) na tinitingnan nila ang ilalaang pondo para sa pagpapatuloy ng naturang ayuda.
Facebook Comments