Administrasyong Marcos, dumistansya sa pagpapaaresto kay Pastor Apollo Quiboloy

Dumistansya ang administrasyong Marcos sa pagpapaaresto ng Korte kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy.

Sa ambush interview sa Malacañang, sinabi ni National Security Adviser Eduardo Año na ang pagpapadakip kay Quiboloy ay court matters na o nasa desisyon na ng hukuman.

Wala umanong kaugnay rito ang administrasyon dahil ang hukuman na ang kumilos hinggil sa kaso.


Ipinauubaya na rin aniya nila sa mga law enforcer ang pagpatutupad ng inilabas na warrant of arrest ng Korte.

Matatandaan na bigong maaaresto ng Davao City Police si Quiboloy habang sumuko naman ang kapwa niya akusado na pansamantala ring nakalaya matapos magpiyansa.

Facebook Comments