Administrasyong Marcos, nananatiling prayoridad ang pagpapababa sa insidente ng kahirapan

Nakatutok pa rin ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga hakbang upang mapababa ang insidente ng kahirapan sa bansa.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, kasunod ng SWS September survey kung saan lumabas na halos kalahati ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabing mahirap sila.

Paliwanag ni Balisacan, na isinagawa ang survey matapos ang serye ng pananalasa ng bagyo na nakaapekto sa presyo ng mga bilihin lalo na ang pagkain.


Mas mataas aniya, ang food inflation noong Setyembre kumpara noong Hunyo dahil sa problema sa suplay.

Pero binigyang diin ng kalihim, na iba’t ibang istratehiya ang ipinatutupad ng gobyerno sa pagtugon sa kahirapan.

Desidido aniya ang administrasyong Marcos, na makamit ang target na maibaba sa 9% ang poverty incidence pagsapit ng 2028.

Facebook Comments