Administrative case laban sa opisyal ng DOTR na nag-viral online dahil sa protocol plate at VIP blinkers, gumugulong na ayon kay Acting Secretary Giovanni Lopez

Inihayag ni Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary Giovanni Lopez na kasalukuyan nang gumugulong ang adminsitrative case laban kay Undersecretary for Internal Audit and Special Concerns Ricky Alfonso.

Matapos na masangkot sa viral road incident sa Quezon City dahil sa paggamit nito ng protocol licensed plate at blinkers.

Ayon kay Lopez, matapos na mapanood ang viral video ay agad ding nagpalabas ng notice to explain ang ahensya nitong October 10.

Dagdag pa niya, inaasahan niya ring sumagot si Alfonso ngayong araw matapos bigyan ng tatlong araw na palugit simula ng maglabas ng notice ang kalihim.

Samantala, ayon kay Lopez na nag-file naman ng leave of absensce si Alfonso habang umuusad ang imbestigasyon.

Kaugnay nito, naglabas naman ang Land Transportation Office (LTO) show cause order sa driver ng naturang sasakyan habang wala pa sa ngayong ideya ang DOTr kung kabilang ba si Alfonso sa ipapa-subpoena ng LTO.

Facebook Comments