Adminstrasyong Marcos Jr., posibleng taasan ang buwis upang mabayaran ang malaking utang ng nakaraang adminstrasyon – IBON Foundation

Naniniwala ang economic think tank na IBON Foundation na ang paparating na administrasyon ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay posibleng taasan ang buwis particular ang consumption.

Ito ay upang mabayaran kahit papano ang malaking utang na mamanahin ng kaniyang administrasyon.

Ayon kay IBON Foundation Executive Director Sonny Africa, may mga proyekto ang outgoing na Duterte administration na nais ituloy ni BBM particular ang Build, Build, Build program.


Dahil dito, naniniwala si Africa na isusulong ang pagtaas ng buwis at posibleng magpataw pa ng mga bagong buwis kalaunan.

Sa huling taya ng Bureau of Treasury, nasa 12.679 trillion pesos na ang kabuuang utang ng bansa dahil sa patuloy na pagresponde ng bansa sa COVID-19 pandemic at ang paghina ng piso kontra sa dolyar.

Sa kabila nito, sinabi rin ni Africa na hindi aabot ang Pilipinas katulad ng sinapit ngayon ng Sri Lanka dahil sa ngayon ay manageable pa naman ang utang ng Pilipinas.

Facebook Comments