Admission rate sa bagong renovate na Manila Zoo, pinaplantsa na

39

Pinaplantsa na ng Manila City Council ang city ordinance na magtatakda ng admission rates sa bagong renovate na Manila Zoo.

Sa harap ito ng nakatakdang pagbubukas sa publiko ng Manila Zoo sa susunod na taon.

Umapela rin ang Manila City government sa mga nais mag-donate o magpahiram ng kanilang mga alagang hayop bilang pandagdag sa mga in-order ng Local government Unit.


Magugunitang isinara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Manila Zoo noong January 2019 matapos matuklasan na major pollutant sa Manila Bay.

Sa Huwebes, December 30, construction workers at kanilang mga pamilya ang unang mga bisita sa Manila Zoo.

Facebook Comments