Patuloy na tumataas ang admission rate sa mga COVID-19 wards sa mga ospital sa Metro Manila.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Leopoldo Vega, ang ilan sa mga ospital ay naabot na ang kategoryang high-moderate risk.
Aniya, nangunguna sa may mataas na admission rate ang mga siyudad ng Makati, Quezon City, Taguig at Manila.
Dagdag pa ni Vega, 53% o higit sa kalahati ng naitatalang bagong kaso ng COVID-19 ay mula sa Metro Manila, Cavite, Laguna at Bulacan.
Giit pa ni Vega, bukod sa mataas na kaso ng COVID-19, ang pag-admit sa mga mild cases ang isa sa dahilan ng pagtaas ng occupancy rate sa NCR.
Habang nasa 78% na ang kasalukuyang occupancy rate sa mga temporary treatment and monitoring facilities.
Facebook Comments