Admission test para sa mga incoming freshmen, kinansela ng DLSU

Inanunsyo ng De La Salle University (DLSU) na hindi mula sila magsasagawa ng admission test para sa mga incoming freshmen para sa academic year 2021-2022 dahil sa COVID-19 pandemic.

Kapalit ng DLSU College Admission Test (DCAT), sinabi ng unibersidad na ang pagtanggap nila ng freshmen ay ibabase sa kanilang high school academic records at iba pang criteria, tulad ng recommendations, class rank at iba pang impormasyon sa application form.

Para sa mga estudyante sa ilalim ng science, technology, engineering at mathematics (STEM) strand, iminungkahi ng DLSU na mag-apply ang mga ito sa mga sumusunod na programa:


  • Animal Biology
  • Biology major in Medical Biology
  • Biology major in Systematics and Ecology
  • BS in Biology major in Molecular Biology and Biotechnology
  • BS in Chemistry major in Food Science

Ang mga estudyante naman na kukuha ng humanities at social sciences ay maaaring mag-apply sa mga sumusunod na programa:

  • Philippine Studies major in Filipino Internet Studies
  • Sports Studies
  • Literature major in Creative Writing
  • Literature major in Literary and Cultural Studies
  • AB in Sociology
  • AB in English Language Studies
  • Bachelor in Human Services

Para naman sa accountancy at business management (ABM) strand, ang mga estudyanteng interesado sa business degree, maaari silang mag-apply sa bagong programa na BS in Business Management with specialization in Business Analytics exclusively na iniaalok lamang sa kanilang Laguna Campus.

Facebook Comments