Adobo at iba ang sikat na pagkaing Pinoy, gagawan ng national standards ng DTI

Bumuo ang Department of Trade and Industry (DTI) ng komite na babalangkas sa Philippine national standards pagdating sa pagluluto ng mga sikat na pagkaing Pinoy gaya ng adobo, sinigang, sisig at lechon.

Ibig sabihin, magkakaroon na ng basic na Philippine adobo bilang benchmark.

Layon nito na mapanatili ang pagkakakilanlan ng Filipino food culture sa kabila ng iba’t ibang technique o sikreto ng ilan sa pagluluto nito.


Samantala, ang komite ay pangungunahan ni Chef Glenda Barretto, founder ng Via Mare Corporation kasama ang ilan pang personalidad sa larangan ng food manufacturing, processing at food technology.

Facebook Comments