MATAGUMPAY ang isinagawang ‘Adopt-a-Mountain’ program sa Barangay Cayanga, bayan ng Bugallon.
Ito ay sa pangunguna ng Pangasinan Environment and Natural Resources Office o PENRO at Pamahalaang Panlalawigan kasabay ng pagdiriwang ng Philippine Arbor Day.
Ang tree growing program ay isang aktibidad ng pagtatanim ng mga seedlings upang magsilbing proteksyon ng mga kabundukan at maalagaan ang mga tanim na maging luntian para sa mga susunod pang henerasyon.
Kasama rin sa nasabing programa ng pagtatanim ang mga kawani sa PDRRMO, Pangasinan Medical Society, Sangguniang Kabataan ng Bugallon, PSU Lingayen-Binmaley ROTC class at iba pang provincial government staff.
Matatandaang inilunsad ng Sangguniang Panlalawigan ang Adopt-A-Mountain Project taong 2017 sa Brgy. Cayanga, Bugallon na may layong pagandahin at alagaan ang mga kabundukan bilang pagsuporta rin sa National Greening Program (NGP).