Inaprubahan na sa Estados Unidos ang Aduhelm drug na gamot para sa Alzheimer’s disease matapos ang dalawang dekadang pag-aaral.
Sa isinagawang pagsasaliksik, nakita na ang Aduhelm o aducanumab na isang monoclonal antibody ay may kakayahang bawasan ang beta-amyloid na makikita sa brain tissue ng pasyenteng may Alzheimer’s.
Dahil dito, desisyon ng Food and Drug Administration (FDA) ang “Accelerated Approval” ng nasabing gamot.
Matatandaang taong 2003 pa nang huling aprubahan ang gamot sa Alzheimer’s disease.
Facebook Comments