Adult joblessness, tumaas pa nitong Hulyo, ayon sa SWS survey

Tumaas pa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa record high na 45.5% nitong Hulyo.

Sa depinisyon ng Social Weather Stations (SWS), ang mga jobless adults ay ang mga indibidwal na nagboluntaryong umalis sa kanilang trabaho, unang beses na naghahanap ng trabaho o nawalan ng trabaho bunga dahil sa economic circumstances na wala sa kanilang kontrol.

Batay sa National Mobile Phone Survey ng SWS, ang adult joblessness ay tumaas ng 28 percentage points mula sa 17.5 nitong December 2019, naungusan na nito ang 34.4% na naitala noong March 2012.


Lumalabas na 86.4% Labor Force Participation Rate o ang proportion ng adults sa labor force ay tinatayang nasa 60 milyon.

Mataas ito kumpara sa 68.7% Labor Force Participation Rate na naitala noong December 2019, tinatayang nasa 45.5 million adults.

Lumabas din sa survey na isa sa bawat limang adult Filipinos o kalahati ng 42% ay nawalan ng trabaho o kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic.

Mas maraming babae ang nawalan ng trabaho na nasa 55.8% kumpara sa mga lalaki na nasa 35.8%.

Mataas din ang unemployment sa rural areas na nasa 46.0% habang nasa 43.9% sa urban areas.

Ang survey ay isinagawa mula July 3 hanggang 6, gamit ang mobile phone at computer assisted telephone interviewing sa 1,555 adult respondents sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments