Magpapatupad na ang pamahalaan ng Advance Passenger Information (API) system para mapalakas ang border security sa bansa.
Sa ilalim ng Executive Order No. 122, itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bureau of Immigration (BI) bilang pangunahing ahensyang tatanggap o mangangasiwa ng API na naglalaman ng impormasyon ng mga pasahero at crew at non-crew members.
Ang API ay magsisilbing “initial security vetting” para mapabilis ang arrival at deporting process ng mga biyahero at maaaring ibahagi sa iba pang law enforcement agencies para sa security purposes.
Nakalagay sa API ang flight number, arrival at departure times, maging ang pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian, lahi at travel document data ng pasahero.
Inaatasan din ng Pangulo ang captain, master o agent o may-ari ng commercial aircraft o vessel na paparating o paalis ng anumang port sa bansa na magbigay sa immigration bureau ng API ng kanilang mga pasahero maging ang kanilang mga crew at non-crew members.
Ang immigration authorities naman ang magsasagawa ng vetting o derogatory information verification ng mga pasahero at iba pa gamit ang kanilang database.
Trabaho rin ng BI na protektahan ang API upang maiwasan ang unauthorized access.
Pinapayagan din ang Immigration Bureau na ibahagi ang impormasyon ng pasahero para sa regional at international security alinsunod sa mga umiiral na tratado at batas.
Anumang paglalabag, pagbabahagi o paglalathala ng API na walang pahintulot ay paglabag sa Republic Act No. 10173 o Data Privacy Act of 2021.