Advance Passenger Information System, ipatutupad na sa mga paliparan sa bansa sa susunod na taon

Inaasahan na sa pagsisimula ng 2022, ganap na rin maiimplementa ng pamahalaan ang Advance Passenger Information System (APIS), para sa mga pasaherong papasok ng bansa.

Ang APIS ay isang sistema na ginagamit upang magkaroon ng link ang sistema ng mga airlines at immigration.

Sa ganitong paraan, bago pa man dumating sa bansa ang mga pasahero, makikita na agad ng pamahalaan ang kanilang detalye o records at malalaman ng gobyerno kung mayroon sa mga ito ang terorista o kabilang sa Interpol watchlist.


Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval na dini-develop na ang mga teknolohiya para dito at ang manpower aniya na kakailanganin ay handa na rin.

Inaasahan na maiimplementa na rin ng bansa ang sistemang ito sa susunod na taon.

Facebook Comments